Tuesday, September 16, 2008
[+/-] |
Postmodernong Kita |
Sunday, September 14, 2008
[+/-] |
Kapag |
- Pag hindi alam kung magkano ang dapat ibayad sa dyip, FX, traysikel o bus, magbigay ng mas malaking bil at maghintay ng sukli. Bilangin kung ilan ang binigay na sukli at ibawas sa binigay mong bil... at ang halagang iyon ang dapat mong ibayad sa susunod.
- Wag na wag magtatanong kung magkano ang dapat ibayad.
- Pag di alam ang dapat sabihing destinasyon sa tsuper ng dyip, wag munang magbayad. Magbayad pag malapit na sa destinasyon at sabihin kung saan ka nanggaling. Saka bumaba.
- Pag hindi alam ang gagawin, maghintay at obserbahan ang mga kasama. Pag nalaman na ang dapat gawin ay kunin ang selpon, pumindot ng kahit ano, magkunwaring may binabasang text at magkunwaring nakuha na ang GO signal.
- Pag dadalawampiso na lamang ang natitira sa Stored Value Ticket, wag itatapon. Maraming nang nanghinayang. Maniwala ka.
- Pag di alam kung ano ang pinakamabisang paraan ng pagcommute, subukan ang lahat ng paraan. Pag nagkamali, magtaxi pabalik. Wag na wag magtatanong.
- Pag may DSL o broadband sa bahay, puntahan ang http://ph-commute.blogspot.com/
Thursday, September 11, 2008
[+/-] |
Panahon ng Bagong Kristyano |
Alas-sais impunto
tilaok ng manok
Alas-sais kinse
daloy ng tubig
Alas-sais y medya
kalansing ng kubyertos
Alas-sais kwarenta y singko
hagulgol ng mazda
Alas-siyete impunto
tunog ng kampana
Alas-siyete kinse
The First Reading
Alas-siyete y medya
Praise to You Lord Jesus Christ
Alas-siyete kwarenta y singko
The Body of Christ
Alas-otso impunto
Go in peace
Alas-otso kinse
hagulgol ng mazda
Alas-otso y medya
ingit ng pinto
Alas-otso kwarenta y singko
ring ng selpon
Alas-nuwebe impunto
Hello
Alas-nuwebe kinse
Wala si mister
Alas-nuwebe y medya
Ay lab yu tu
Alas-nuwebe kwarenta y singko
hagulgol ng mazda
Sunday, August 31, 2008
[+/-] |
Bakit Natatapos ang Buwan ng Wika? |
Bakit nagsisimula ang Buwan ng Wika? Bakit ito nagtatapos? Di ba't nagsimula 'to noong unang bumukambibig sina Malakas at Maganda? Hindi ba't magtatapos lamang 'to kapag lahat ng mga Pinoy ay mag-guglutathione at mag-aastang Gossip Girl?
Buhay pa ako. Humihinga. Nagsasalita. Nagsasayang ng oras sa pagbubukambibig tungkol sa buwan ng wika kahit may tatlong pahina pa ng "major paper" ang kailangang tapusin at ipasa bukas sa klase ni Sir Conejos.
Buhay pa kayo. Kayong mga nakakaintindi sa mga pinagsasabi ko rito.
Hangga't buhay pa tayo'y 'di matatapos ang buwan ng wika.
Ewan ko ba kung ba't naging buwan ng wika ang Buwan ng Wika...
Ingat na lang tayo sa mga gustong matapos na ang buwan ng wika. Siguradong inaabangan na nila tayo sa labas...