Kapag
...ika'y tulad kong probinsyanong nagcocommute sa maynila at ayaw magpahalatang ignorante...
- Pag hindi alam kung magkano ang dapat ibayad sa dyip, FX, traysikel o bus, magbigay ng mas malaking bil at maghintay ng sukli. Bilangin kung ilan ang binigay na sukli at ibawas sa binigay mong bil... at ang halagang iyon ang dapat mong ibayad sa susunod.
- Wag na wag magtatanong kung magkano ang dapat ibayad.
- Pag di alam ang dapat sabihing destinasyon sa tsuper ng dyip, wag munang magbayad. Magbayad pag malapit na sa destinasyon at sabihin kung saan ka nanggaling. Saka bumaba.
- Pag hindi alam ang gagawin, maghintay at obserbahan ang mga kasama. Pag nalaman na ang dapat gawin ay kunin ang selpon, pumindot ng kahit ano, magkunwaring may binabasang text at magkunwaring nakuha na ang GO signal.
- Pag dadalawampiso na lamang ang natitira sa Stored Value Ticket, wag itatapon. Maraming nang nanghinayang. Maniwala ka.
- Pag di alam kung ano ang pinakamabisang paraan ng pagcommute, subukan ang lahat ng paraan. Pag nagkamali, magtaxi pabalik. Wag na wag magtatanong.
- Pag may DSL o broadband sa bahay, puntahan ang http://ph-commute.blogspot.com/
0 comments:
Post a Comment