Sunday, August 31, 2008

Bakit Natatapos ang Buwan ng Wika?

Bakit nagsisimula ang Buwan ng Wika? Bakit ito nagtatapos? Di ba't nagsimula 'to noong unang bumukambibig sina Malakas at Maganda? Hindi ba't magtatapos lamang 'to kapag lahat ng mga Pinoy ay mag-guglutathione at mag-aastang Gossip Girl?

Buhay pa ako. Humihinga. Nagsasalita. Nagsasayang ng oras sa pagbubukambibig tungkol sa buwan ng wika kahit may tatlong pahina pa ng "major paper" ang kailangang tapusin at ipasa bukas sa klase ni Sir Conejos.

Buhay pa kayo. Kayong mga nakakaintindi sa mga pinagsasabi ko rito.

Hangga't buhay pa tayo'y 'di matatapos ang buwan ng wika.

Ewan ko ba kung ba't naging buwan ng wika ang Buwan ng Wika...

Ingat na lang tayo sa mga gustong matapos na ang buwan ng wika. Siguradong inaabangan na nila tayo sa labas...

comments:

OHOHOHO. Totoo yan. Mag-iingles sana ako pero dyahe naman kung ganon, hindi ba? :) Sana makita to ng mga taga *SENSURA* para manahimik na sila sa kaka-gossip girl gossip girl taglish nila. Tama ang mga pinagsasabi mo dito. Natuwa naman ako sa nasa taas.. "Habang gwapo si Jonghyun" :)) BWISET. Ayos na sana e /:) 안 갈링 모 탈라가, 비나~ ^^