Tuesday, September 16, 2008

Postmodernong Kita

Nagpunta si Totoy Gudoy sa pinakamalapit na internet cafe.

----

YM lang.

Sa computer 6.

----

ladyiesman23. akositotoy. Sign In.

--

trinagudoy : nabayaran mo na ba tuition mo totoy?
ladyiesman23 : oo kahapon pa.
trinagudoy : humingi ka kay nanay?
ladyiesman23 : di
trinagudoy : kay tatay?
ladyiesman23 : hindi
trinagudoy : kanino ka humingi?
trinagudoy : uy!
trinagudoy : jan ka pa ba totoy?

----

a. kung marangal.
b. kung wais.

----

a.

timburns : Hi. I've already sent it to your paypal account.
ladyiesman23 : thanks
timburns : No problem. I like the design you made by the way.
ladyiesman23 : yeah

--

b.

michyb**chy16 : hey there tony :)
ladyiesman23 : hey sexy
....
...
..
.
Invite to View My Webcam...
.
..
...
....
michyb**chy16 : loved it. check your paypal. till next time dear
ladyiesman23 : i love you too ;)

----

trinagudoy : BUZZ!

--

CTRL + D

[+/-] Read More...

Sunday, September 14, 2008

Kapag

...ika'y tulad kong probinsyanong nagcocommute sa maynila at ayaw magpahalatang ignorante...
  • Pag hindi alam kung magkano ang dapat ibayad sa dyip, FX, traysikel o bus, magbigay ng mas malaking bil at maghintay ng sukli. Bilangin kung ilan ang binigay na sukli at ibawas sa binigay mong bil... at ang halagang iyon ang dapat mong ibayad sa susunod. 
  • Wag na wag magtatanong kung magkano ang dapat ibayad.
  • Pag di alam ang dapat sabihing destinasyon sa tsuper ng dyip, wag munang magbayad. Magbayad pag malapit na sa destinasyon at sabihin kung saan ka nanggaling. Saka bumaba.
  • Pag hindi alam ang gagawin, maghintay at obserbahan ang mga kasama. Pag nalaman na ang dapat gawin ay kunin ang selpon, pumindot ng kahit ano, magkunwaring may binabasang text at magkunwaring nakuha na ang GO signal.
  • Pag dadalawampiso na lamang ang natitira sa Stored Value Ticket, wag itatapon. Maraming nang nanghinayang. Maniwala ka.
  • Pag di alam kung ano ang pinakamabisang paraan ng pagcommute, subukan ang lahat ng paraan. Pag nagkamali, magtaxi pabalik. Wag na wag magtatanong.
  • Pag may DSL o broadband sa bahay, puntahan ang http://ph-commute.blogspot.com/

[+/-] Read More...

Thursday, September 11, 2008

Panahon ng Bagong Kristyano

Alas-sais impunto
     tilaok ng manok
Alas-sais kinse
     daloy ng tubig
Alas-sais y medya
     kalansing ng kubyertos
Alas-sais kwarenta y singko
     hagulgol ng mazda

Alas-siyete impunto
     tunog ng kampana
Alas-siyete kinse
     The First Reading
Alas-siyete y medya
     Praise to You Lord Jesus Christ
Alas-siyete kwarenta y singko
     The Body of Christ

Alas-otso impunto
     Go in peace
Alas-otso kinse
     hagulgol ng mazda
Alas-otso y medya
     ingit ng pinto
Alas-otso kwarenta y singko
     ring ng selpon

Alas-nuwebe impunto
     Hello
Alas-nuwebe kinse
     Wala si mister
Alas-nuwebe y medya
     Ay lab yu tu
Alas-nuwebe kwarenta y singko
     hagulgol ng mazda

[+/-] Read More...

Sunday, August 31, 2008

Bakit Natatapos ang Buwan ng Wika?

Bakit nagsisimula ang Buwan ng Wika? Bakit ito nagtatapos? Di ba't nagsimula 'to noong unang bumukambibig sina Malakas at Maganda? Hindi ba't magtatapos lamang 'to kapag lahat ng mga Pinoy ay mag-guglutathione at mag-aastang Gossip Girl?

Buhay pa ako. Humihinga. Nagsasalita. Nagsasayang ng oras sa pagbubukambibig tungkol sa buwan ng wika kahit may tatlong pahina pa ng "major paper" ang kailangang tapusin at ipasa bukas sa klase ni Sir Conejos.

Buhay pa kayo. Kayong mga nakakaintindi sa mga pinagsasabi ko rito.

Hangga't buhay pa tayo'y 'di matatapos ang buwan ng wika.

Ewan ko ba kung ba't naging buwan ng wika ang Buwan ng Wika...

Ingat na lang tayo sa mga gustong matapos na ang buwan ng wika. Siguradong inaabangan na nila tayo sa labas...

[+/-] Read More...